PD ng SPPO, nagsumite na ng kanyang ‘courtesy resignation’

NAGSUMITE na kahapon, Enero 9 ng kanyang “courtesy resignation” si Sorsogon Police Provincial Office Director PCol Dionisio Laceda.

Kasama ang 5 pang Provincial Directors ng Bicol at ng component city ng Naga, ipinakita nito ang kanyang courtesy resignation sa pamamagitan ng ‘photo ops’ hawak ang naturang papel.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Ang mga kopya ng courtesy resignations ay ipapadala sa tanggapan ng PNP at NCR Police Office (NCRPO).

Ito ay bilang pagkasa sa hamon ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na magsumite ng courtesy resignation ang mga full-fledged Colonel at Generals sa layong matanggal ang mga opisyal na sabit sa sindikato ng iligal na droga.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Pagpapakita ito ng Poilce Director ng PNP Sorsogon na suportado niya ang hangarin ni Abalos na malinis ang hanay ng  pambansang pulisya mula sa pagkakasangkot sa iligal na droga.

Tuloy pa rin ang trabaho ni Laceda habang hindi naaaprubahan ang kanyang courtesy resignation.