Binigyang diin ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na ang insidente ng pagkakaroon ng 433 jackpot winners sa kanilang October 1, 2022 Grand Lotto draw ay “natural occurrence” kasabay ng paninindigan na walang iregularidad na nangyari, bagama; ito umano ay unprecedented.
Mababatid na nasa 433 bettors ang nanalo sa PCSO’s Grand Lotto 6/55 jackpot na P236.091 million sa draw na ginanapn noong Sabado, na may winning combination na 09-45-36-27-18-54.
Ang bawat mananaya ay inaasahang makakatanggap ng P500,000 gross para sa winnings, pero subject sa buwis.
Ang mga ito ay nagkalat sa buong bansa, mula sa Metro Manila hanggang sa Zamboanga.
