Digitalization para maiwasan ang kurapsyon sa BOC at BIR, pinamamadali na

Minamadali na ng Department of Finance ang mga hakbang para matugis ang katiwalian at kurapsyon sa Bureau of Internal Revenue o BIR pati na rin sa Bureau of Customs.

Ayon kay Finance Secretary Ben Diokno, masusugpo ang katiwalian sa mga nasabing ahensaya sa pamamagitan ng modernization at digitalization sa mga transaksyon nito.

Read More:  Sen. Gatchalian says he is ready if chosen as SP

Aniya, isa ito sa mga nakikita nilang susi para maiwasang mapasukan ng kurapsyon ang mga trabaho’t serbisyo ng mga tanggapan ng Gobyerno.

Dagdag pa ng Kalihim, noon pa man ay mayroon nang isinulong na digitalization sa BIR at BOC ngunit sa ngayon ay mas pagbubutihin pa raw nila ito.

Read More:  Senate minority bloc members want Gatchalian as new SP

Sa ganitong pamamaraan ay mas mapapahusay ang mga transaksyon sa mga nabatid na tanggapan at mapabibilis ang serbisyo sa publiko nang walang bahid ng kurapsyon.
#