PCG – wi-nelcome ang naging paninindigan ni PBBM sa WPS sa kaniyang SONA

Winelcome ng Philippine Coast Guard (PCG) ang naging speech ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA tungkol sa West Philippine Sea.

Ayon kay PCG spokesperson Commodore Jay Tarriela, may dalawang mahalagang nabanggit ang pangulo tungkol dito.

Read More:  Sen. Pia Cayetano elected new chairperson of Senate Blue Ribbon Committee

Una na aniya rito ay ang kahalagahan ng tamang impormasyon para mapukaw ang damdamin ng mga Pilipino upang magkaisa sa laban sa West Philippine Sea.

Maliban dito, sinabi rin ni Tarriela na magandang naidagdag ng presidente na ang WPS ay hindi tungkol sa kanyang legacy, at hindi lang laban ng administrasyon.

Read More:  Ateneo Law Student Council expresses disappointment over Cayetano

Aniya, idiiniin ng Pangulong Marcos na ang laban sa WPS ay para sa susunod na henerasyon ng mga Pilipino.