Naniniwala si Department of Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman na ang pagsasabatas ng National Government Procurement Act ay ang pinaka malaking anti-graft and corruption reform sa pamahalaan.
Sinabi ito ni Pangandaman sa ginanap na post SONA discussion ngayong araw.
Nakapaloob na kasi sa ilalim ng NGPA ang early procurement method, ibig sabihin sa oras na maipasa na nila ang National Expenditure Program sa Senado at Kongreso, pwede na agad mag bid out ng proyekto ang ahensya ng mga gobyerno, upang pagsapit ng January 1 sa susunod na taon ay maiimplementa na nila ang kanilang mga proyekto.
Gagamit rin ng “add to cart” system tulad ng sistema sa Lazada at Shopee para sa common use supplies.
Ayon pa kay Pangandaman hindi lang makakatipid ang pamahalaan sa new mode ng procurement, kundi makakapili rin sila ng magandang kalidad ng produkto at serbisyo.