PCG, walang naitalang pumuslit sa backdoor ng PH sa gitna ng banta ng Delta variant

Wala umanong natatanggap na report ang Philippine Coast Guard (PCG) kaugnay ng paglusot ng mga kahina-hinalang mga indibidwal sa backdoor ng Pilipinas sa gitna ng mas nakakahawang Delta variant ng coronavirus.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni PCG spokesperson Commodore Armand Balilo na mahigpit ang bilin ni Transportation Secretary Arthur Tugade na ipatupad ang pagbabantay sa ating borders. 

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Ayon sa opisyal, wala namang naranasang mga hamon ang mga otoridad sa General Santos City ngayong pinaigting nila ang maritime border patrol kasunod ng pagtaas ng COVID-19 sa Indonesia. 

Mino-monitor din ng mga otoridad ang repatriation ng mga tao mula Tawi-Tawi patungong Zamboanga para matiyak na nasusunod ang quarantine measures.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Hinimok naman ni Balilo ang publiko na makipag-coordinate sa law enforcement agencies at maging proactive sa pagre-report ng mga impormasyon sa PCG, PNP, o AFP at Bureau of Immigration tungkol sa mga kahina-hinalang barko na di dadaan sa health authorities.

Mababatid na kamakailan lamang isang tugboat at barge na nagmula sa Indonesia ang na-delay ng pagdaong sa Albay province matapos na magpositibo sa COVID-19 ang 12 crew members nito.