PCG, tukoy na ang may-ari ng inabandonang merchant vessels sa Mariveles Bataan

Natukoy na ng Philippine Coast Guard ang pagkakakilanlan ng may-ari ng inabandonang Merchant Vessel  Mirola-1 sa Mariveles, Bataan.

Ayon sa PCG, Mary Jane Ubaldo ang pangalan ng may-ari ng naturang barko.

Read More:  Marcos cancels public events, monitors EDSA rally

Sinabi umano ng may-ari na natakot silang i-report sa mga otoridad ang insidente dahil ito ang unang pagkakataong nalagay sila sa ganitong sitwasyon.

Read More:  Taguig police officer faces administrative complaint over alleged child harassment

Matatandaang natagpuan ang MV-Mirola 1 na bahagyang nakatigilid matapos na sumadsad sa mababaw na bahagi ng karagatan ng Mariveles, Bataan.

May karga itong 2 drum ng heavy fuel oil at 3,000 litro ng diesel.