Cassandra Li Ong, nakaalis na umano ng bansa – PAGCOR

Inanunsyo ni Philippine Amusement and Gaming Corp. chairman Alejandro Tengco, na nasa Singapore na ang umano’y authorized representative ng na-raid na POGO sa Porac, Pampanga na Cassandra Li Ong.

Ayon kay Tengco, nakuha nila ang impormasyong ito sa Philippine National Police.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Sinabi ni Tengco na si Ong ang sinasabing sinamahan ni dating presidential spokesperson Atty. Harry Roque noong Hulyo 2023 para makipag-usap sa PAGCOR hinggil reapplication ng lisensya ng Lucky South 99 POGO.

Read More:  Coup rumors denied! Senate President alan cayetano says majority bloc remains solid

Si Ong din ang umanoy girlfriend ng kapatid ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Kasama rin si Ong sa listahan ng immigration lookout bulletin kabilang si Mayor Guo at kapatid nito dahil sa pagkakasangkot sa human trafficking at ilan pang ilegal na aktibidad.