Paiigtingin na raw ng Philippine Coast Guard ang kanilang port inspection sa bansa kasunod ng nangyaring trahedya sa Binangonan, Rizal na ikinasawi ng halos tatlompu katao.
Ayon kay PCG Spokesperson Rear Admiral Armand Balilo, partikular sa paiigtingin ang inspeksyon sa mga interisland ferries para maiwasan maulit ang ganitong pangyayari.
Samantala, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon na isinasagawa ng PCG sa insidente matapos aminin ng kapitan ng motor banca Princess Aya na nagsumite siya ng manifesto ngunit nagdagdag pa ng mga pasahero.
Na-relieve na rin ang station commander ng PCG na may sakop sa Binangonan at kasalukuyang nasa kanilang headquarters habang sumasailalim sa imbestigasyon.
Maaalalang, mayroong 44 naitalang nakaligtas at 27 ang nasawi sa nasabing insidente.
#