#EgayPH, Habagat death toll: umakyat na ng 14; Pinsala, sumipa na sa P2B

Umakyat na sa 14 ang bilang ng mga nasawa sa pinagasamang epekto ng Bagyong Egay at Habagat, ayon sa Office of the Civil Defense (OCD) sa naging panayam ng Brigada.

Ayon kay Dir. Edgar Posadas ang Spokesperson ng OCD, pumalo na sa mahigit kalahating milyon ang naapektuhan ni Egay na bagaman lumabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ay nakatatangap pa rin sila ng mga ulat sa mga reginal offices ng naapektuhan nito.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

May tinataya namang 164K na pamilya ang apektado kung saan 17,179 na ang bilang ng mga nag-evacute sa 312 na mga evacuation center.

Nabatid na nakapagtala na ng mahigit 8milyon na danyos sa Agricultura ang nagdaang bagyong Egay at Habagat samantalang mahigit 1Bilyon ang naapektuhan sa usapin ng inprastraktura.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Sumipa na rin sa mahigit P2Billion ang pinsalang iniwan ng Bagyong Egay sa bansa.

Ayon kay Posadas, sinabi nitong lumobo pa sa P1.191Million ang pinsala sa imprastraktura; habang P833Million naman sa agrikultura.

Sa kabuoan, umabot na sa mahigit 600,000 ang bilang ng mga apektadong indibidwal mula sa 13 rehyon sa bansa.
#