Nangangalap na ang Philippine Coast Guard (PCG) ng mga dokumento, larawan at video na gagamiting ebidensya upang pabulaanan ang bintang ng China na ang barko ng Pilipinas ang naging agresibo sa nangyaring banggaan sa Escoda shoal noong August 19.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni National Maritime Council Spokesperson Alexander Lopez, inaasahang ilalabas ito sa lalong madaling panahon.
Anya, responsibilidad ng pamahalaan sa publiko at sa international audience na ilabas ang mga detalye sa kung ano ang totoong nangyari.
Kapag nailabas ang mga ebidensya, hahayaan nilang ang publiko ang mag desisyon kung sino sa dalawang panig ang nagsasabi ng katotohanan.