PCG, naghain ng reklamo laban sa apat na tauhan ng MV Happy Hiro

Naghain na ng reklamo ang Philippine Coast Guard (PCG) laban sa apat na personnel ng MV Happy Hiro matapos na bumangga ang sasakyang pandagat ng mga ito sa isang fishing boat sa Agutaya, Palawan noong nakaraang Sabado.

Naisumite na ng PCG sa Antique Prosecutor’s Office kahapon ang mga reklamong reckless imprudence resulting in multiple homicide, multiple injuries, at damage to properties sa apat na tauhan ng naturang vessel.

Read More:  UP Broadcasting Association raises concern over Legarda’s role in Senate leadership shift

Kasama sa apat na tauhan na sinampahan ng kaso ay ang kapitan na isang Croatian, second mate at ang dalawa pang officer ng shipping vessel.

Matatandaang nawawala ang pitong mangingisda matapos ang nasabing banggaan.

Read More:  De Lima urges Senate to fulfill constitutional duty on VP Sara impeachment

Base sa imbestigasyon, nakaangkla ang bangka ng mangingisda dahil nagkaroon ito ng engine failure ng mabangga ito ng MV Happy Hiro.

Hindi naman papayagan ng ahensya na makaalis ang nasabing shipping vessel sa bansa at umaasa sila na maglabas na ang korte ng detention order para sa mga ito.(CLAY MARQUEZ)
#