Umento sa sahod sa Central Luzon, pinangangambahang mauwi sa pagtataas ng presyo ng produkto at serbisyo

Pinangagambahan ngayon na mauwi sa pagtataas ng presyo ng mga produkto at serbisyo ang napipintong omento sa pasahod ng mga mangagagawa sa gitnang luzon.

Ito ay para maiwasan ang pagsasara ng mga negosyo na naapektuhan ng pagkalugi dahil sa pandemya at ngayon ay dagdag na gastos para sa wage increase.

Ayon kay Metro Olongapo Chamber Of Commerce President Ruben De Guzman, maliit ang dagdag na apatnapung pisong pasahod sa kada araw na trabaho pero mabigat ito para sa mga negosyante sa panahong di pa gaanong nakakabawi.

Para di mauwi sa pagbabawas ng bilang ng mga empleyado at pagsasara ay hindi isinasantabi ng grupo ang posibilidad na ihirit ang dagdag presyo sa goods and services.(BNFM OLONGAPO)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *