Inatasan ng newly-created Water Resources Management Office (WRMO) sa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga tanggapan ng pamahalaan, na magpatupad ng water conservation guidelines dahil sa posibleng banta ng El Niño phenomenon.
Ayon sa DENR, ang guideline ay ini-syu ng WRMO sa ilalim ng Bulletin No. 1, alinsunod sa Memorandum Circular (MC) No. 22 na inilabas ng Malacañang noong nakaraang Hunyo.

Ang Bulletin No. 1 ng WRMO ay nagpapa-alala sa lahat ng mga government employees para sa pagtitipid ng tubig sa mga pampublikong tanggapan.
Kabilang na rin dito ang ilang mga paalala sa posibleng maging epekto ng El Niño o tagtuyot ngayong taon.
Nilalaman din nito ang mungkahi kung saan ang mga ahensya ng pamahalaan ay inabisuhang magkaroon ng hiwalay na metro ng tubig na dapat ay regular na masusuri upang matiyak na ang mga ito ay gumagana ng maayos.//YMB