Charlie Dizon, nakipag-bonding sa anak ni Carlo Aquino?

Napukaw ang atensiyon ng netizens sa repost na larawan ni Carlo Aquino na kasama ang kanyang partner na si Charlie Dizon, na may karga-kargang batang babae.

Marami ang naghihinala na ang batang karga ni Charlie ay si Mithi, ang tatlong taong gulang na anak ni Carlo sa dati niyang karelasyon na si Trina Candaza.

Read More:  Sarah Geronimo spotted at Regine Velasquez’s Finale concert amid pregnancy rumors

Ang bata ay mahigpit na yumakap kay Charlie habang ito ay karga ng aktres.

Read More:  Bianca Manalo, Sherwin Gatchalian remain friends after breakup

Nagkaroon ng oras para mag-bonding ang bagong kasal na sina Carlo at Charlie kasama ang anak ng aktor.

Maalala na ang kasal nina Carlo at Charlie ay naganap noong Hunyo 9, 2024. (Brigada News Intern – Michaela De Leon)