PCG at USCG, nagsagawa ng pagpupulong ukol sa maritime exercises

Nakipagpulong ang Commandant ng Philippine Coast Guard (PCG) sa United States Coast Guard (USCG) American counterpart sa headquarters nito sa Washington.

Si Admiral Artemio Abu ang kauna unahang PCG commandant na bumisita sa USCG headquarters, at mainit na tinanggap ni USCG Commandant Admiral Linda Fagan.

Nilinaw ng PCG na ang layunin ng makasaysayang pulong na ito ay upang palakasin ang pangako ng parehong mga organisasyon sa pagpapahusay pamamahala sa dagat, kaligatsan nito, nagtataguyod ng makabuluhang mga internasyonal na batas at regulasyon, at pangangalaga sa kapaligiran.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Ayon sa isang hiwalay na panayam, sinabi ni U.S. Coast Guard (USCG) Commandant, Admiral Linda L Fagan, mataas ang pagtingin ng United Staes sa relasyon nito sa Pilipinas, gayundin sa iba pang regional partners na kaalyado nito, dahil naniniwala siya na ang pagpapanatili ng regular exhange ay magbibigay benipisyo para sa lahat.

Read More:  New US Ambassador to PH meets with Ambassador Babes Romualdez

Nais rin ng USCG na palakasin ang pakikipagtulungan nito sa mga kasosyo at kaalyadong bansa — lalo na sa mga may problema sa pagpapatupad ng batas sa kanilang eksklusibong economic zone — pagsuporta sa kanila sa pagprotekta sa kanilang soberanya at pagpigil sa iligal na pangingisda.

Samantala, noong nagsimula ang buwan ng Hunyo ay nagsagawa ng joint maritime drills sa Marivele, bataan na dinaluhan ng 400 na mga tauhan ng coast gurd ng Pilipinas, Us at Japan.//MCV