P80M halaga ng tulong sa Mayon-affected individuals, naipamahagi na

Tiniyak ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na hanggat mayroong mga evacuees at mga apektadong residente ng paga-alburoto ng Bulkang Mayon – hindi mapapatid ang pagbibigay nila ng tulong.

Sa huling datos ng tanggapan, umabot na sa P77.4Million na halaga ng tulong ang naipamahagi ng national at local government.

Read More:  1Tahanan distributes metal detectors as Bantay Paaralan Act awaits passage

Nagmula ang mga ito sa DSWD, Office of the Civil Defense, at iba pang mga NGOs at mga private entities.

Kasama na rito ang mga naipamahaging financial assistance, mga family food packs, at iba pa.

Read More:  Palace open to Facebook ban in Philippines

Samantala, sa latest situationer report ng NDRRMC, inalis na ang mahigit sa 600 injuries na unang na-report matapos ang validation.

Nananatili naman sa 38,982 ang kabuoang bilang ng mga affected individuals.