PCCI umapela sa gobyerno na i-waive ang license fees sa maliliit na negosyo

Hinimok ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) ang national at local governments na i-waive ang license fees para sa mga maliliit na negosyo.

Ayon kay PCCI chairman Sergio Ortiz-Luiz Jr., talagang hirap ang mga negosyante at marami nang nagsarang negosyo kaya kung maaari ay bawasan o tanggalin na lang ang license fees para makatulong sa mga small businesses.

Read More:  Gatchalian says online memes over impeachment seating hurt

Aniya, kung di matutulungan ang maliliit na industriya, matatagalang maka-recover ang mga ito.

Mababatid na isinailalim ang National Capital Region (NCR) at mga kalapit nitong probinsya sa modified enhanced community quarantine hanggang April 30 kasunod ng surge ng COVID-19 cases.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Sa ilalim ng MECQ, mga 18 hanggang 65 anyos lamang na kukuha ng essential goods at services at mga nagtatrabaho sa qualified industries ang pwedeng lumabas ng bahay habang pinapayagang mag-operate ang ilang industriya sa limitadong kapasidad.