Pagbabakuna sa mga senior citizen sa Palauig kontra covid-19, sinimulan na

Sinimulan na ang pagbabakuna sa mga senior citizens sa bayan ng Palauig laban sa covid-19.

Ito ay dahil tapos na ang pagbibigay ng unang dose ng bakuna sa mga naunang nasa priority list ng Department Of Health o DOH.

Read More:  Nearly entire church ceiling collapses in Maguindanao del Norte

Ang vaccination sa mga senior citizen sa Palauig ay nagsimula noong April 24, at apatnapu’t pito sa mga ito ang naturukan na ng 1st dose ng sinovac vaccine.

Read More:  Old school bus sunk off Cebu island to create artificial coral reef

Ayon sa Palauig Municipal Health Office, ngayong araw ay magpapatuloy ang pagbabakuna sa sektor ng mga ito.//Russell Banawa-BNFM IBA

Photo Courtesy: RHU Palauig