Hinimok ng Phil Coconut Authority-Bicol ang mga magsasaka at mangagawa ng niyog na magparehistro sa Natl Coconut Framer’s Registry System (NCFRS) upang mapakinabangan at tangkilikin ang mga programa at benepisyong handog ng gobyerno.
Ayon kay PCA-5 Regional Manager Mateo Zipagan, target nila na ma-register ang 395 na magsasaka ng niyog sa buong Bicol.
Sa ngayon ay may 120K na ang rehistrado; base sa RA 11524 o ang Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act, ang registration ay dapat ma-update kada dalawang taon para kapag may namatay ay mapapalitan ng gustong magparehistro.
Ayon pa kay Zipagan, ang Bicol ay maaaring makagawa ng 2 bilyong niyog kada taon.
Ang NCFRS ay isang talaan ng mga magsasaka at mangagawa ng niyog na maaaring makakuha ng mga serbosyo, programa at benepisyo ng gobyerno; kabilang ditto ang scholarship sa mga anak, patuloy na edukasyon at pagsasanay, imprastraktura at suportang medikal.
