PBBM – wala rin sa watchlist ng PNP

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na wala rin sa kanilang watch list ang pangalan ni Pangulong Bongbong Marcos.

Ito ay matapos akusahan ang presidente na ‘di umano’y kabilang sa naturang listahan.

Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo – sa kanilang drugs watchlist ay hindi rin napabilang ang pangalan ni Pangulong Marcos.

Read More:  Bantay Impeachment: avoid delaying tactics in VP Sara impeachment trial

Bago ito, una na ring pinabulaanan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang naturang akusasyon laban sa pangulo.

Anila, mula raw nang itatag ang National Drug Information System o NDIS noong 2002 – ‘di raw napabilang sa listahan nila si Marcos.

Read More:  Marcos appoints former DILG chief Benhur Abalos as Cabinet Secretary

Kahit na noong nagkaroon daw ng ‘narco-list’ ang nagdaang administrasyon, wala rin daw doon ang pangalan ng Pangulo.

Tiniyak din ng PDEA na wala namang access ang mga mayors sa bansa sa naturang lsitahan.