House Leaders – posibleng ‘di makadalo sa imbitasyon ng Senado para sa PI

Wi-nelcome naman ng mga House Leaders ang imbitasyon ng Senado na dumalo sila sa imbestigasyon para sa People’s Initiative – ‘yun nga lang, baka ‘di raw sila makadalo rito dahil masyado nang marami ang kanilang ginagawa.

Kung maaalala kasi – bukas, araw ng Martes ay inimbitahan sila ni Senate Commitee on Electoral Reforms chair Senadora Imee Marcos na dumalo sa pagdinig.

Read More:  House prosecutor opposes online voting in Sara Duterte impeachment trial

Sabi ni House Majority Leader Mannix Dalipe – kung mayroon man silang oras ay maaari naman silang um-attend.

Samantala, sa isang pulong balitaan ngayong hapon – nanindigan si Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez na tanging economic provisions lamang ang laman ng mga pag-amiyenda sa Konstitusyon.

Read More:  Sen. Pia Cayetano elected new chairperson of Senate Blue Ribbon Committee

Aniya, ang nais lang daw ng Kamara ay mas maparami pa ang economic opportunities, investments at mas marami pang mga trabaho.

Dagdag pa ni Dalipe, kahit daw na bali-baliktarin ang Resolusyong naisumite sa Kamara – wala itong bahid ng political provisions.

Pinabulaanan din ng Majority Leader ang bali-balitang ia-abolish daw ang Senado.