PBBM tiniyak sa publiko na nagsisikap ang kanyang administrasyon na mawakasan ang kahirapan sa bansa

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa publiko na nagsisikap ang kanyang administrasyon na wakasan ang kahirapan sa bansa.

Ang pahayag ng Pangulo ay matapos na iulat ng Philippine Statistics Authority na tumaas ang employment rate o mga nagkaroon ng trabaho sa bansa.

Read More:  Palace withholds judgment on VP Sara impeachment trial

Sa kaniyang social media page, sinabi ni Marcos na dumadami na ang mga nagkakaroon ng magandang trabaho kaya magpupursigi ang kaniyang gobyerno hanggang sa tuluyang makaahon sa kahirapan ang mga Pilipino.

Sinabi ng Punong Ehekutibo na mula sa 93.6% unemployment rate noong Enero 2022 ay tumaas ito ng 95.2% ngayong mga unang buwan ng taon na nangangahulugang bumaba ang bilang ng mga Pilipinong tambay o walang mga trabaho.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Nasa 4.1 milyong Pilipino ang nadagdag sa labor force at nagkaroon ng maayos na hanapbuhay.//CA