Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na libre pa rin ang pagbibigay ng tertiary education sa mga public universities at colleges sa Pilipinas.
Ito ay upang matulungan ang mga mag-aaral na kapos sa pinansyal.
Ayon sa Pangulo hindi dapat ituring na gastos ang perang ginagamit sa edukasyon kundi isang investment.
Ngayong taon P134-B ang inilaang pondo ng pamahalaan para sa state universities at colleges.
