PBBM, tiniyak ang pagtutok ng pamahalaan sa posibleng epekto ni Mawar

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  sa publiko ang pagtutok ng pamahalaan sa posibleng epekto ng paparating na super typhoon Mawar.

Ayon sa Pangulo, sinabi nitong nakahanda na ang mga ahensiya ng gobyerno para agad umalalay sa mga lugar na posibleng maapektuhan ng bagyo.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Patuloy rin aniya ang DSWD Field Offices sa Central Visayas, Cordillera Administrative Region, at Ilocos Region sa paghahatid ng family food packs sa iba’t ibang bodega at tinitiyak ng kagawaran na may sapat na supply ng mga relief items bago makarating ang bagyo sa PAR.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Naka-standby na rin  ang response teams pati na ang mga local government unit sa mga lugar na tatamaan ng bagyong Mawar.//CA