Itinutulak na pag amyenda sa Cha-cha, patay na – Padilla

Inamin ni Sen. Robinhood Padilla na patay na ang itinutulak niyang pag-amyenda sa economic provisions ng Konstitusyon.

Ayon kay Padilla na siya rin chairman ng  Senate committee on constitutional amendments and Revision of Codes, isa sa mga dahilan ng hindi pag-usad ng Cha-cha ay ang gulong namuo sa pagitan ng mga lider ng House of Representatives.

Read More:  OVP’s ₱785.2 million budget passes Senate committee in 16 minutes

Isa pa raw sa dahilan ay apat lang sa kanyang mga kasama na pawang mga kapwa niya senador sa PDP-Laban ang pumirma sa kopya ng committee report hinggil sa mga ginawang pagdinig sa nasabing panukala.

Read More:  Dela Rosa camp questions legal basis of ₱50 million reward

Umaasa na lang ang senador na magiging epektibo sa pagtaas ng foreign investments at paglago ng ekonomiya ang nalalapit na paglikha ng Maharlika Investment Fund.//CA