Sunog, sumiklab sa isang residential area sa Caloocan

Nilamon ng apoy ang isang residential area sa Brgy. 120, Caloocan ngayong Biyernes.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, pasado alas nuebe kaninang umaga ng magsimula ang sunog.

Read More:  Sara Duterte vows never to resign as impeachment trial advances

Dahil pawang gawa sa light materials ang mga bahay, mabilis na kumalat ang apoy.

Inakyat pa sa ikatlong alarma ang sunog bago tuluyang naapula.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Kinailangan pang butasin ng mga residente ang pader ng katabing sementeryo para mabilis na makalikas.

Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng BFP sa naging sanhi ng sunog.