PBBM pinamamadali ang P3B fuel subsidy fund

Inutusan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang Department of Budget and Management (DBM) na madaliin na ang pamimigay ng fuel subsidy fund, sa gitna ng pagtaas ng presyo ng gasolina.

Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, patuloy pa rin kasing itong nakabinbin dahil sa hindi pa nailalabas na joint memorandum circular (JMC) ng Department of Transportation (DOTr).

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Ipinaliwinag rin nito na ang pondo ay magagamit na sa General Appropriations Act (GAA).

Sa huli, sinabi ni Pangandaman na wala na masyadong aamyendahan sa JMC para mas mapabilis ang proseso ng distribution.