CAMARINES SUR- Timbog sa operasyon ng Philippine Drugs Enforcement Agency Camarines Sur at ng PNP- Goa ang isang guro na nagbebenta umano ng ipinagbabawal na gamot.
Bandang alas-12:45 ng tanghali nitong Martes ng ikasa ang operasyon sa Barangay Maysalay. Positibo ang operasyon ng PDEA laban kay Nelson Agsangre na nakipag transaksyon sa silid mismo. Nakumpiska rito ang tinatayang 10 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P68,000.00.
Ayon pa sa PDEA ang 33-anyos na binata ay miyembro ng isang drug group na nag-ooperate sa sa naturang bayan.
Wala imik sa pangyayari si Sir . Mahaharap na ito sa kaukulang kaso.
Ayon kay Department of Education Bicol Regional Director Gilbert Sadsad , hindi niya pa nabatid ang buong background ng guro subalit sinabing hindi nito kinukunsinte ang ganitong gawain at nagpasalamat sa PDEA sap ag monitor sa kanilang mga kasamahan na nalilihis ng landas.