PBBM: Pamamahagi ng smuggled na bigas, magpapatuloy

Nangako si Pangulong Bongbong Marcos na ipagpapatuloy nito ang pamamahagi ng mga nakumpiskang bigas sa mga Pilipino hangga’t hindi nauubos ang mga smuggler at hoarder sa bansa.

Ito’y inihayag ng pangulo habang pinamumunaan niya ang pamamahagi ng bigas sa San Jose, Dinagat Islands.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Saad nitong pansamantala lang ito dahil nakikita niyang malapit nang mawala sa Pilipinas ang mga nag-iimbak ng bigas, na patuloy na sumisira sa kabuhayan ng mga tao, lalong lalo na sa mga mahihirap at nangangailangan.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), natanggap ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa Siargao at Dinagat islands ang 42,180 sako ng bigas na nagkakahalaga ng P42 milyon, na maalalang ipinuslit sa Zamboanga.