China – nanindigang sila ang nagtanggal ng floating barriers sa WPS

Itinanggi ng Chinese Coast Guard (CCG) ang naunang pahayag ng mga awtoridad ng Pilipinas matapos ang ginawang pagputol sa mga floating barriers sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.

Ayon kay CCG Spokesperson Gan Yu, ang mga floating barriers ay inilagay matapos ang panghihimasok ng isang sasakyang pandagat ng Bureau of Fisheries and Aquaric Resources ng Pilipinas ngunit inalis din nila agad.

Dagdag pa niya na ang inanunsyo ng Pilipinas sa pagtanggal nila ng mga floating barriers ay gawa-gawa lamang at self-orchestrated.

Matatagpuan sa layong 229.6 kilometro (124 nautical miles) mula sa Zambales, ang Bajo de Masinloc na bahagi ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *