Naniniwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mas gumaganda na ang samahan ng Pilipinas at China pagdating sa isyu ng pangingisda sa West Philippine Sea.
Ito ay dahil may nakikita na aniyang improvement sa sitwasyon mga barko ng gobyerno sa karagatang sakop ng bansa at mga barko ng China.
Sa isang ambush interview, sinabi ni Pangulong Marcos na kung dati rati ay hinaharass ng mga barko ng China ang ating mga sasakyang pandagat , sa huling insidente ay sinundan na lamang nito ang ating barko.

Ang tinutukoy ng Pangulo ang BRP Francisco Dagohoy na nagdala ng supplies sa Pag-asa island kung saan sinundan ito ng barko ng China na ayon kay Marcos ay isang magandang improvement.
Sa katunayan aniya sa projection ng BFAR, inaasahang lalaki ang huli ng mga mangingisda dahil nabigyan na sila ng pagkakataon na makapangisda sa ating teritoryo.
Patunay din daw na gumagana ang naging pag-uusap nila ni Chinese Pres. Xi Jin Ping na unahing tugunan ang concerns sa sektor ng pangisdaan.//CA