Solon, hiniling sa PRC na suriin ang lebel ng hirap ng board exams

Hiniling ni Northern Samar 1st District Representative Paul Daza sa Professional Regulation Commission o PRC na suriin ang lebel ng hirap ng board exams dahil sa mababang passing rates sa bansa.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Kalimitang aniya kasing nagiging balakid ito sa employment ng mga Pinoy.

Tinukoy nito ang 2017 hanggang 2022 exams sa 36 professions kung saan nasa 53.58% lamang ang passing rate o halos kalahati ng bilang ng mga examinees.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Kabilang na rito ang passing rates sa teaching profession, criminology, certified public accountants at fisheries technologies.

Ani Daza, nagkakaroon na ng diskusyon sa isyu at umaasa syang agad itong maipapatupad.