PBBM nanindigan na hindi overkill ang implementasyon ng warrant of arrest kay Quiboloy

Naniniwala si Pangulong Bongbong Marcos na walang nalabag na human rights ang mga pulis na nag implementa ng warrant of arrest laban kay Apollo Quiboloy sa loob ng KOJC compound.

Sa ambush interview sa Malacañang, sinabi ni Pangulong Marcos na kinakailangang mag deploy ng maraming pulis dahil sa lawak ng lugar na kailangang inspeksyunin.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Layunin rin ng pag gamit ng maraming pulis ay para matiyak na mapanatili ang kapayapaan habang isinasagawa ang operasyon.

Kung mas konti raw kasi ang mga pulis, posibleng mas marami pang pulis at mga supporters ng KOJC ang nasaktan.

Read More:  Senate court sets hearings on Sara Duterte finances, aide’s testimony

Nanindigan rin ang Pangulo na hindi gumamit ng anumang armas ang mga pulis.

Nilinaw ng Presidente na naiintindihan nya ang di pag sangayon at galit ng mga supporters ni Quiboloy subalit ginagawa lang anya ng pulisya ang kanilang trabaho sa pagsisilbi ng warrant of arrest laban sa akusado.