PBBM, nangako ng resettlement para sa mga flood-hit families sa Misamis Occidental

Inatasan ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang National Housing Authority (NHA) na humanap ng resettlement area para sa mga displaced na pamilya sa Misamis Occidental, matapos masira ang mga bahay nila dahil sa pagbaha.

Ayon kay Marcos, sa oras na matukoy na ang relocation, magpapadala ang gobyerno ng rebuilding materials upang agad masimulan ng mga tao ang pagpapagawa ng kanilang bagong bahay.

Read More:  Minority bloc calls for Cayetano’s resignation

Maliban dito, hiniling din ng pangulo na pagandahin ang flood-control structures, na magsisilbi bilang first line of defense laban sa mga pagbaha at pag-apaw ng mga ilog. 

Read More:  NBI files ethics complaint against Kiko Barzaga

Kaugnay nito, tiniyak ng punong ehekutibo sa mga residente ng Misamis Occidental matapos ang kanyang personal na pagbisita doon, na patuloy na tutulong ang pamahalaan sa mga labis na nangangailan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga relief goods, maiinum na tubig, damit, at temporary shelters para sa mga evacuees.