Pinangunahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang pamamahagi ng mga materyales para sa mga nasiraan ng bahay sa Batangas dahil sa Bagyong Kristine.
Kasama ang Department of Human Settlement and Urban Development, namahagi ang Pangulo ng Home Materials and Essentials o HOME sa 559 na mga benepisyaryo.
159 families ang mula sa bayan ng Talisay at tig-200 families naman sa munisipalidad ng Laurel at Agoncillo.
Pare-parehong silang nakatanggap ng GI roofs, marine plywood, mga kahoy at pako na donasyon ng isang pribadong kompanya.
Maliban naman sa mga materyales, namahagi rin ang Pangulo ng 60 million pesos para sa anim na munisipalidad sa Batangas.
Kabilang dito ang bayan ng Talisay, Laurel, Agoncillo, Cuenca, Lemery, at Balete.
Habang nasa mahigit apat na libong mga mangingisda at magsasaka naman na lubhang naapektuhan ng bagyong Kristine ang makakatanggap rin ng tig-sampung libong piso.