Isang motor, sumalpok sa kotse sa Lucena City; dalawang motorista, sinugod sa ospital

Sinugod sa ospital ang drayber at ang backrider na angkas nito matapos sumalpok ang minamaneho nitong motor sa likurang bahagi ng isang sasakyan sa Brgy. Bocohan, Lucena City nitong Martes, Nobyembre 5.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Base sa salaysay ng drayber ng sasakyan, liliko sana ito papasok ng isang subdivision para mag-mane obra nang aksidenteng nabangga ito ng motor ng mga riders.

Dagdag pa nito, matapos ang pag-salpok ay nag-seizure umano ang drayber ng motor kung kaya’t agad na tumawag ito ng mga awtoridad na agad namang dumating upang rumesponde.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Sa ngayon, kasalukuyan pang iniimbestigahan ng mga kapulisan kung ano ang mapapagkasunduan ng dalawang panig hinggil sa aksidente.