Pormal nang inirekomenda ni Pangulong Bongbong Marcos si dating Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil na maging member at Chairman ng Board of Directors ng Manila Economic and Cultural Office (MECO), sa pamamagitan ng isang desire letter.
Maaalalang naging PCO Secretary si Garafil mula January 2023, at pinalitan sya ni Cesar Chavez nito lamang September 05.
Hindi naman nabanggit ng PCO kung kelan manunumpa sa kanyang bagong pwesto si Garafil, habang sa pinaka huling panayam kay MECO head Silvestro Bello, sinabi nitong wala pa syang natatanggap na utos hinggil dito.