PBBM, inihayag na maganda ang takbo ng ekonomiya ng bansa at nakabangon na mula sa pandemya

Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.na maganda ang takbo ng ekonomiya ng Pilipinas at nakabangon na mula sa pandemya.

Sa isinasagawa ng meet-and-greet ni Marcos sa Filipino community sa Tokyo, ibinida ng Pangulo na nakaka-ahon na nag Pilipinas at gumaganda na ang takbo ng ekonomiya kaya naman pinalalakas ng Pilipinas ang partnership sa ibang bansa.

Read More:  Suspected rocket debris recovered along Palawan coast

Binigyang-diin din ng Pangulo na ang pangunahing priyoridad ng gobyerno ay ang pagbibigay ng mas maraming employment opportunities para sa mga Pilipino.

Read More:  Ombudsman says INC rally won’t stop Marcoleta probe

Matatandaang noong nakaraang linggo, iniulat ng Philippine Statistics Authority na ang inflation rate sa buwan ng Enero ngyaong taon ay umakyat sa 8.7% mula sa 8.1% na naitala noong Disyembre , ang pinakamabilis na paglago mula noong November 2008.//CA