PBBM, inatasan ang PRA na isailalim sa re-assessment ang mga reclamation projects

Inatasan ni Pangulong Bongbong Marcos ang Philippine Reclamation Authority na magsagawa ng re-assessment sa mga reclamation projects sa bansa.

Sa Bagong Pilipinas program, sinabi ni PRA Asst. General Manager for Reclamation Atty. Joseph John Literal, dahil sa mga pagbaha kamakailan, mahigpit nilang tinututukan at tinitiyak na ang lahat ng proyekto ng reklamasyon ay dumaan sa masusing pag aaral bago aprobahan.

Anya, sa 22 reclamation project sa bansa, dalawang lang ang pinayagang magpatuloy ng Pangulo na parehong nasa Pasay city.

Batay sa direktiba sa kanila ni Pangulong Marcos, kapag anya may nakitang malaking epekto ang reclamation sa ginagawang accumulated impact assessment ng DENR, kailangan nilang repasuhin ang mga design at i-review ang isinumiteng requirements ng mga proponent sa reclamation.

Nabatid na bago aprobahan ang isang reclamation project, kailangan meron itong feasibility study, environmental compliance certificate at area clearance mula sa DENR, gayundin ang hydrodynamic at morphologic study upang matiyak na ligtas ito sa coastline at sa komunidad.