Pulis patay, isa sugatan sa engkwentro sa 2 Chinese na suspek umano sa Kidnap-for-Ransom ng mga kapwa Chinese sa Pampanga

Isang pulis ang nasawi sa engkwentro sa dalawang Chinese na suspek umano sa Kidnap for-Ransom ng mga kapwa Chinese sa Angeles City, Pampanga.

Sa ulat ng PNP-Anti Kidnapping Group, kinilala ang nasawing pulis na si Police Staff Sergeant Nelson Santiago.

Habang sugatan din sa operasyon ang kapwa pulis na si Police Chief Master Sergeant Eden Accad.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Ayon sa AKG, nakipag-ugnayan ang Chinese attaché noong Biyernes sa kanilang tanggapan para masagip ang 2 biktima na kinidnap sa Makati.

Ang mga kidnappers na kinilalang sina Hu Kai at Ryu Don ay nag demand umano ng 8 milyong piso para mapalaya ang 2.

Sa naturang operasyon nasagip ang mga biktima at naaresto ang mga suspek.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Nakumpiska sa mga ito ang isang .45 pistol, .38 revolver , drug paraphernahlia at ilang kutsilyo.

Habang naisugod pa sa pagamutan si Santiago ngunit idineklarag dead on arrival

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng AKG ang mga suspeks at biktima.

Mahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso.