PBBM, inatasan ang DFA at DMW na makipagtulungan sa Maui para sa mga apektadong Pilipino sa Wildfire

Naglabas ng kautusan si Pangulong Bongbong Marcos para sa Deparment of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) na magbigay ng tulong sa mga pamilyang Pilpino na naapektuhan ng wildfire sa Maui, Hawaii.

Nagpaabot rin ang pangulo ng pakikiramay sa mga naging biktima ng trahedya noong nakaraang buwan.

Dahil dito, iantasan niya ang dalawang ahensya na makipagtulungan sa estado ng Hawaii sa pagtulong sa mga Pilipino na makabangon mula sa wildfire, bilang diwa ng pakikiisa at pakikiramay.

Ayon sa huling ulat ni Hawaii Consul General Emil Fernandez, may kabuuang 14 na Filipino at Filipino-American ang kumpirmadong namatay sa sunog kamakailan sa naturang lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *