PBBM – ‘horrified’ sa gentleman’s agreement nina Duterte at China

Blangko raw ang administrasyong Marcos sa napabalitang ‘gentleman’s agreement’ sa pagitan ni dating pangulong Rodrigo Duterte at ng China.

Nang matanong si Marcos hinggil sa alleged informal agreement – sinabi nitong ‘horrified’ daw siya sa ideya na kino-kompromiso natin ang ating soberanya sa pamamagitan ng isang sikretong usapan para sa ating mga teritoryo.

Aniya – ‘di raw alam ng kaniyang administrasyon kung mayroong ganitong uri ng usapan.

Wala naman daw nag-brief sa kanila hinggil dito mula nang umupo sila sa Malacañang.

Wala rin aniya silang nakitang documentation ng usapan.

Ipinunto rin ni Marcos ang pagkakaiba-iba ng pahayag mula sa mga dating opisyal ng nagdaang administrasyon.

Maaalalang isiniwalat ni dating presidential spokeperson Atty. Harry Roque ang naturang agreement – bagay naman na kinontra ng isa pang spokesperson ni Duterte na si dating Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *