DOH: aabot ng 6 weeks bago makita ang epekto ng pertussis vax drive

Hindi na raw nagulat ang Department of Health sa pagtaas ng bilang ng naitatalang kaso ng pertussis.

Ito ay sa gitna ng vaccination efforts na ginagawa ng ahensya laban sa naturang sakit.

Ayon kay DOH Assistant Secretary Albert Domingo, aabutin pa kasi ng 4 hanggang 6 na linggo matapos ang pagsisimula ng pinalakas na vaccination drive bago magsimulang bumaba ang kaso ng pertussis sa bansa.

Bagamat ‘concerned’ aniya sila sa pagkyat ng petussis cases, hindi na raw ito nakagugulat.

Samantala, mababatid na una nang sinabi ng DOH na unti-unti nang nauubos ang bakuna laban sa nasabing sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *