Higit 180 pamilya sa Maguindanao del Sur – apektado sa tensyon ng 2 armadong grupo

Lumikas ang 189 na pamilya mula sa Barangay Dasikil, Mamasapano, Maguindanao del Sur dahil sa takot na maipit sa tensyon ng dalawang armadong grupo.

Ayon kay Mamasapano Disaster Risk Reduction Management Officer Vincent Cuales, tumungo ang mga apktadong pamilya sa mga katabing barangay ng Tuka, Libutan at katabing bayan ng Shariff Saydona Mustapha at Radjah Buayan.

Namahagi na ng tulong ang lokal na pamahalaan sa mga naapektuhang pamilya.

Samantala, inilahad ni Cuales na ang naturang tensyon ay sa pagitan ng 118th Base Command ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Paliwanag pa ng opisyal, nagsimula ang bakbakan nito pang April 3 sa Barangay Pimbalkan kung saan dalawang sibilyan ang sugatan.

kaugnay nito, naniniwala ang otoridad na rido o family feud ang dahilan ng kaguluhan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *