Mainit na sinalubong ng pamahalaan ng People’s Republic of China sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., First Lady Louise Araneta-Marcos, at iba pang miyembro ng delegasyon ng Pilipinas sa Beijing Capital International Airport.

Dumating ang Pangulo sa Beijing 6:10 ngayong gabi sakay ng PR001.
Ito ang unang bilateral at official visit ng Pangulo sa isang bansa na hindi kasapi ng ASEAN.
Mahalaga ang pagbisitang ito ni PBBM para sa patuloy na pagyabong ng 47 taon na ugnayan ng Pilipinas at Tsina simula pa noong 1975.
Nakatakdang talakayin ng Pangulo ang political security issues kasama si Chinese President Xi Jinping.//CA