PBBM: Consolidation para sa modernization program, wala nang extension

Muling iginiit ni Pangulong Bongbong Marcos na wala na syang ibibigay na extension sa itinakdang deadline para sa consolidation ng jeepney modernization program.

Inihayag ito ng Pangulo sa ginanap na Bagong Pilipinas Town hall meeting on traffic concerns na ginanap sa San Juan City.

Read More:  Prosecution panel plans to present Trillanes as next witness

Ayon sa Presidente, kailangang-kailangan na ang jeepney modernization lalo na’t malaking problema sa bansa ay ang pamamasada ng mga kolorum na sasakyan, na umaabot sa 30%.

Read More:  NFA expects palay prices to rise to P30/kg as severe El Niño looms

Sa ngayon, titiyakin daw ng pamahalaan na maging well-organized ang sistema ng jeepney modernization para hindi mabigatan sa pagbayad ng inutang ang mga driver/operator.