Nag-abot ng tulong pinansiyal sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at House Speaker Martin Romualdez sa pamilya ng broadcaster na si Juan Jumalon sa Misamis Occidental.
Ayon kay Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) Executive Director Paul Gutierrez, personal niyang ibinigay sa asawa ni Juan Jumalon at sa anak nito ang tulong pinansyal.

Tiniyak din ng PTFoMs official sa pamilya Jumalon ang hustisya sa pagkamatay ng broadcaster kung saan patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI).
Sa ngayon ay nasa P3.7 million na ang alok na reward para sa makapagbigay ng impormasyon sa ikaaaresto ng tatlong potensiyal na suspects sa pagbaril at pagpatay kay Jumalon noong November 5, 2023.