Rep. Castro, nangangamba sa bagong implementing rules ng Maharlika Fund

Nagpahayag ng pangamba si House Deputy Minority Leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro sa bagong implementing rules and regulations (IRR) ng Maharlika Investment Fund (MIF).

Ayon kay Castro may alinlangan umano siya sa ginawang pagbabawas partikular na sa responsibilidad ng audit at risk management committees at ang pagbaba ng required na educational o professional experience para sa mga mapipiling opisyal ng Maharlika Investment Corp.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Sinabi ni Castro na dapat siguraduhin na ang mapipiling board of directors ay kayang gampanan ang tungkulin nito bilang isa sa mamamahala sa MIF.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Iginiit pa nito na ang kahalagan na matiyak na kuwalipikado ang magpapatakbo sa MIF at ang pagtiyak na maaaring mapanagot ang mga ito sa kanilang mga maling gagawin.