PBA – ikinalungkot ang bagong insidenteng kinasangkutan ni John Amores

Tumanggi na munang magbigay ng kumento at opisyal na pahayag ang pamunuan ng PBA sa panibagong insidenteng kinasasangkutan ni North Port Batang Pier player John Amores.

Sabi ni PBA Commissioner Willie Marcial – ipauubaya na raw muna nila ang imbestigasyon sa mga kapulisan.

Read More:  Marcos pushes waste-to-energy program as flooding exposes Philippines’ garbage problem

Sa kabila nito, aminado raw silang nalungkot sila sa naturang insidente.

Wala rin itong kumento sa paglalaro ni Amores sa labas ng liga ng PBA.

Read More:  Palace says ‘no one is above the law’ as VP Sara seeks oral arguments in grave threats case

Kung maaalala – lumabas sa inisyal na ulat na galing sa laro ng basketbol si Amores bago nangyari ang shooting incident sa Laguna.

Sumuko na ito sa mga otoridad, at na-inquest na ngayong araw.